Legislative Progress
KAPASYAHANG NAGPAPAABOT NG TAUSPUSONG PAKIKIRAMAY AT PAKIKIDALAMHATI SA MGA NAULILA NG YUMAONG NAGING KAWANI NG PAMAHALAANG BAYAN NG ROXAS, ORIENTAL MINDORO, G. ORLANDO A. DOMINGO
Official number: Res. No. 284-2026
Sponsors:
HON. MARIETTA REYES PAJILA, PHD, HON. LUCILLE TESORERO BACAY, HON. DAVID DALIDA DE LA CRUZ, HON. MICHAEL ORTEGA PONGYAN, HON. KING PHILIP BRIONES DIMAPILIS, HON. CRISTOPHER YASON CARVAJAL, HON. GUALBERTO VILLANUEVA MAGNO, HON. HERMIS SABILE CATAPANG, HON. SHEIKINAH GRACE CADANGAN SANZ, HON. ROBERT SAGADO QUIATCHON
Date Approved:
August 17, 2026
Type:
Simple Resolution
Full Text
SAPAGKAT, si G. ORLANDO A. DOMINGO ay naging kawani ng Pamahalaang Bayan ng Roxas, Oriental Mindoro, mula Marso 1, 2004 hanggang Agosto 15, 2026, at buong katapatan at dedikasyon na naglingkod sa Pamahalaang Bayan sa loob ng mahigit dalawampu't dalawang (22) taon;
SAPAGKAT, sa kanyang mahabang panunungkulan bilang kawani ng Pamahalaang Bayan, ipinakita ni G. Domingo ang kanyang kasipagan, katapatan, pagiging responsable, at dedikasyon sa paglilingkod-bayan, na naging mahalagang bahagi ng kanyang pakikipag-ugnayan at paglilingkod sa mga opisyal, kapwa kawani, at mamamayan ng Bayan ng Roxas;
SAPAGKAT, ang kanyang pagpanaw noong Agosto 15, 2026 ay nagdulot ng matinding kalungkutan sa kanyang pamilya, mga kamag-anak, kaibigan, mga dating kasamahan sa trabaho, at sa buong pamayanang kanyang napaglingkuran;
SAPAGKAT, ang kanyang mga taon ng tapat at marangal na paglilingkod sa Pamahalaang Bayan ng Roxas ay mananatiling bahagi ng kasaysayan ng ating lokal na pamahalaan at magsisilbing alaala ng kanyang kontribusyon sa serbisyo publiko;
SAPAGKAT, sa panahon ng pagdadalamhati, nararapat lamang na ipabatid ng Sangguniang Bayan ang taos-pusong pakikiramay at pakikidalamhati sa pamilya at mga naulila ni G. Orlando A. Domingo, bilang pagkilala sa kanyang naging ambag at serbisyo sa Pamahalaang Bayan at sa mamamayan ng Roxas.
DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Marietta R. Pajila at sa nagkakaisang mungkahi ng lahat
IPINASIYA, tulad ng pagpapasiyang ito na ipaabot sa pamilya ng pumanaw na dating kawani ng Pamahalaang Bayan, G. Orlando A. Domingo, ang tauspuso ng pakikiramay ng Sangguniang Bayan at ng mga namumuno at mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng bayang ito.
IPINASIYA RIN na ipadala ang sipi ng kapasyahang ito sa pamilya at mga kaanak ng yumaong G. Orlando A. Domingo lakip ang tauspusong pakikiramay.
PINAGTIBAY: Agosto 17, 2026
Public Comments
Sign in to like, reply, and post your own comment.
Have a formal comment or objection?
Send an official comment, objection, or suggestion about this resolution directly to the Sanggunian.
Citizen sentiment
No citizen reactions yet.
Advisory only — reactions do not affect Sanggunian voting (RA 7160 §42).
Loading comments...