Legislative Progress
KAPASYAHANG NAGPAPAABOT NG TAUSPUSONG PAKIKIRAMAY AT PAKIKIDALAMHATI SA MGA NAULILA NG YUMAONG NAGING KAWANI NG PAMAHALAANG BAYAN NG ROXAS, ORIENTAL MINDORO, G. LARRY M. TUMACA
Official number: Res. No. 273-2026
Sponsor:
Marietta R. Pajila
Date Approved:
August 3, 2026
Type:
Simple Resolution
Full Text
SAPAGKAT, si G. Larry Tumaca ay naging kawani ng Pamahalaang Bayan mula Hulyo 1, 2010 hanggang Hulyo 28, 2026;
SAPAGKAT, bilang isang kawani, ginampanan niya ang kanyang tungkulin nang may pagmamalasakit at dedikasyon;
SAPAGKAT, kahit sa kanyang maliit na kaparaanan ay ginampanan niya nang buong katapatan, kasipagan at may dedikasyon ang tungkuling sa kanya ay iniatang;
SAPAGKAT, sa panahon ng kanyang pamamalagi sa daigdig na ito, sinikap niyang makatulong sa kanyang kapwa;
SAPAGKAT, ang Sangguniang Bayan ng Roxas, Oriental Mindoro, sampu ng mga namumuno at mga kawani ng Pamahalaang Bayan ay lubos na nakikiramay sa mga naulila ng dating kawani ng Pamahalaang Bayan, G. Larry M. Tumaca.
DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konschal Marietta R. Pajila at sa nagkakaisang mungkahi ng lahat –
IPINASIYA, tulad ng pagpapasiyang ito na ipaabot sa pamilya ng pumanaw na dating kawani ng Pamahalaang Bayan, G. Larry M. Tumaca, ang tauspusong pakikiramay ng Sangguniang Bayan at ng mga namumuno at mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng bayang ito.
IPINASYA RIN na ipadala ang sipi ng kapasyahang ito sa pamilya at mga kaanak ng yumaong G. Larry M. Tumaca lakip ang tauspusong pakikiramay.
PINAGTIBAY: Agosto 3, 2026
Public Comments
Sign in to like, reply, and post your own comment.
Have a formal comment or objection?
Send an official comment, objection, or suggestion about this resolution directly to the Sanggunian.
Citizen sentiment
No citizen reactions yet.
Advisory only — reactions do not affect Sanggunian voting (RA 7160 §42).
Loading comments...